Abbott and Costello do OPM

November 29, 2007

This bit I wrote is based on a MAD Magazine piece I saw a few years back featuring a variation of Abbott and Costello’s most famous comedy sketch – Who’s on first? In the piece, the duo was assigned to catalog a collection of music videos before the song titles and artists’ names started to stir some confusion. I thought it would be fun to have the same sketch but using OPM songs and artists instead.

So here’s what it would be like if Bud Abbott and Lou Costello were producers for a Filipino radio station (errr…conversing in tagalog, of course):

Abbott: Costello, unang araw natin dito sa istasyon. Ayos ba? Ikaw ang magiging assistant ko sa paggawa ng playlist base sa mga request.
Costello: Bilib na talaga ako sayo at naipasok mo tayong dalawa dito. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa music. Ibig mong sabihin, alam mo lahat ng kanta dito?
Abbott: Oo naman. Ang gagawin mo lang ay sabihin sa akin ang pangalan ng artist at hahanapin ko ang CD sa collection. Sasabihin ko ang pamagat ng kanta tapos isulat mo ang pagkakasunod sunod sa playlist. Maliwanag ba?
Costello: Maliwanag.
Abbott: Medyo kakaiba lang ang mga pamagat ng mga kanta kaya huwag kang malilito, okay?
Costello: Walang problema. Sige, simulan na natin. Eto ang una, Apo Hiking Society. Anong kanta ang isusulat ko?
Abbott: Ewan.
Costello: Ha? Akala ko ba alam mo?
Abbott: Alam ko nga.
Costello: Eh, ano nga ang pamagat?
Abbott: Ewan.
Costello: Teka. Hindi mo nga alam?
Abbott: Alam ko nga.
Costello: Ano nga?.
Abbott: Ewan nga!
Costello: Ah ewan!
Abbott: Tama!
Costello: (pause) Wag na nga. Sunod na kanta na lang.
Abbott: Heto na.
Costello: Naghihintay ako.
Abbott: Heto na.
Costello: Alam ko nga. Ano nga ang pamagat?
Abbott: Heto na!
Costello: Ugh… ‘Yung susunod na lang.
Abbott: Wala nang hahanapin pa.
Costello: Err…mabuti naman. Ano nga ang susunod?
Abbott: Paano.
Costello: Akala ko ba wala nang hahanapin pa?
Abbott: ‘Yun ‘yung nauna.
Costello: Grrrr…’yung kasunod?
Abbott: Paano.
Costello: Wala tayong patutunguhan nito. Ibang artist na lang. Eto, Cueshe.
Abbott: Bakit.
Costello: ‘Yun ang request eh. Anong kanta?
Abbott: Bakit nga!
Costello: Para maisulat ko, ano pa. Ano ba talaga ang kasunod?
Abbott: Sorry.
Costello: Ok lang. Ano nga ang kasunod?
Abbott: Pasensya na.
Costello: Ok nga lang!!! (pause) Sige, iba na lang ulit. Gary V.
Abbott: ‘Di bale na lang.
Costello: Aalisin ko na si Gary V?
Abbott: Hinde!
Costello: Eh, anong kanta nga?
Abbott: ‘Di bale na lang!
Costello: Ano ba ang gusto mong isunod?
Abbott: Gaya ng dati.
Costello: ‘Di bale na lang?
Abbott: Hinde, tapos na tayo doon ‘di ba?
Costello: Ugh.
(pause)
Abbott: Ano yung huling kanta?
Costello: …ewan.
Abbott: Apo Hiking Society, tapos na yan. Sino na ang kasunod?
Costello: Top Suzarra.
Abbott: Sabihin mo na.
Costello: Kakasabi ko lang, Top Suzarra.
Abbott: Sabihin mo na nga.
Costello: Sinabi ko na nga! Hay naku! ‘Yung susunod na lang.
Abbott: Ok.
Costello: Brownman Revival.
Abbott: Dahan dahan.
Costello: Brooowwwnnnn…maaaaannnn…Reeeee…viiii…vaaallllll…ano na nga ang sunod na kanta?
Abbott: Sorry na, pwede ba.
Costello: Oo na. Ano ngang kanta ng Brownman Revival?
Abbott: Sorry na, pwede ba!
Costello: Ang kulit! Oo na nga! ‘Yung susunod na nga lang. 6cyclemind.
Abbott: Sige.
Costello: Ok. Anong pamagat?
Abbott: Sige.
Costello: Sige nga!
Abbott: Hay salamat, nakuha mo rin.
Costello: Grrr…
(pause)
Abbott: Sino na ang susunod?
Costello: Aiza Seguerra. Siguro naman sasabihin mo na sa akin ang pamagat nito.
Abbott: Pagdating ng panahon.
Costello: Ummpph…Kailan?!!!
Abbott: MYMP o Smokey Mountain?
Costello: Ah ewan!
Abbott & Costello together: Apo Hiking Society!
Costello: Eto, Nyoy Volante.
Abbott: Nasaan.
Costello: Yang CD na hawak mo. Anong kanta diyan?
Abbott: Nasaan.
Costello: Ayan sa kamay mo!!! Aahh, kalimutan mo na! (pause) Eraserheads tayo. Alam mo kung anong kanta nila ang nirequest?
Abbott: Minsan.
Costello: Ugh. Minsan?
Abbott: Oo, Minsan.
Costello: (pause) Alam mo ba talaga kung anong kanta ang ililista ko?!
Abbott: Oo nga.
Costello: At sasabihin mo sa akin?
Abbott: Natural.
Costello: Sa wakas!
Abbott: Ayan, alam mo na pala eh.
Costello: Ang alin?
Abbott: Yung sumunod na kanta.
Costello: Anong sumunod na kanta?
Abbott: Huwag mo nang itanong.
Costello: Paano ko malalaman?
Abbott: Sinabi ko na.
Costello: Ano ngang kanta?
Abbott: Huwag mo nang itanong.
(pause)
Abbott: Sinong susunod?
Costello: Kitchie Nadal.
Abbott: ‘Wag na wag mong sasabihin.
Costello: Kanino?
Abbott: Kay Kitchie.
Costello: Ang pamagat?
Abbott: Kakasabi ko lang, ‘Wag na wag mong sasabihin.
Costello: Ang susunod na kanta?
Abbott: Oo nga!
Costello: Ikaw bahala…
Abbott: Sinong susunod?
Costello: Ummm…Ewan.
Abbott & Costello together: Apo Hiking Society!
Costello: Sabihin, wag sabihin…Di na kita maintindihan. Eto, VST & Co.
Abbott: Awitin mo at isasayaw ko.
Costello: Pamagat ang kailangan ko, hindi sayaw. Ano ang pamagat?
Abbott: Awitin mo at isasayaw ko nga!
Costello: Ugh. Yung ibang kanta na lang ng VST.
Abbott: Ipagpatawad mo.
Costello: Ummmppphhh…Ayos…lang…Anong…pamagat?
Abbott: Ipagpatawad mo.
(pause)
Costello: Ummmpppphhh…Ituloy na natin ng matapos na ‘to. True Faith.
Abbott: Huwag na lang kaya.
Costello: Di ko na rin isasama ang True Faith?
Abbott: Bakit hindi? Kasama pa rin.
Costello: Anong kanta nga?
Abbott: Huwag na lang kaya.
Costello: Grrr…Ang labo mo talaga. Sunod, may request dito galing sa isang fan ni Marc Abaya. Alam mo ba kung anong pangalan ng grupo niya?
Abbott: Oo. Kjwan.
Costello: (pause) Ano na?
Abbott: Kjwan nga.
Costello: Di mo maalala?
Abbott: Naaalala ko! Kjwan nga ang pangalan ng banda niya! Naiintindihan mo?
Costello: Ewan.
Abbott & Costello together: Apo Hiking Society!
Costello: Arrgghhh…Konti na lang. Eto, Parokya ni Edgar.
Abbott: Sorry na.
Costello: Ano ba! Kanina pa yang sorry na yan ah!
Abbott: Cueshe?
Costello: Ugh! Seryoso na. Anong kanta ng Parokya ni Edgar?
Abbott: Maniwala ka sana.
Costello: Naniniwala ako kaya tigilan mo na yang kakasorry mo! Wala tayong masisimulan niyan eh!
Abbott: Anong walang masisimulan? Ibig mong sabihin, wala ka pang naisusulat kahit isang kanta sa buong oras na magkausap tayo?
Costello: Paano ko magsusulat, tinanong ko ‘yung kay Aiza sabi mo lang pagdating ng panahon. ‘Yung sa Eraserheads sabi mo huwag mo nang itanong. Di bale na lang ‘yung kay Gary V., huwag na lang kaya ang sa True Faith. Tinatanong ko pangalan ng banda, wala kang sinabi kundi kuwan. Puro ka sorry tapos pag tinanong ulit kita wala kang binibigay na pamagat, puro ewan!
Abbott & Costello together: Apo Hiking Society!
(pause)
Abbott: Hay. Sabi ko na nga ba malilito ka. Sige, balikan na lang natin yung iba mamaya pag nakuha ko na lahat ng CD. Sino na lang ba ang di mo nababanggit?
Costello: Rivermaya.
Abbott: Ummm… Kung ayaw mo, ‘wag mo.
Costello: Aaaaaaahhhhh!!! Ayaw ko na talaga! Di ko na ‘to matatagalan, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho! Matutuliro ako pag araw araw na ganito!
Abbott: Anong sabi mo?
Costello: Sabi ko matutuliro ako dito! Tuliro!
Abbott: Ah, Spongecola yan.
Costello: @#$%!&!!!!

:)

Advertisement

2 Responses to “Abbott and Costello do OPM”

  1. carmel said

    hahaha! :p

  2. apol said

    “Ah, spongecola yan.” =))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.